Saturday, November 5, 2011
Pagkatapos ng workshop
Si Nadz, sa unang araw pa lang ng training-workshop, nagpaalam na. Na siya ay hindi sasabay sa mga uuwi pabalik ng Jolo sa susunod na gabi, magpapaiwan siya sa Zamboanga, sa bahay ng kapatid na babae na naghahanapbuhay dito (nagtitinda ng banana cue), para maghanapbuhay rin ng ilang araw (magbabantay ng mga sasakyan ng mga papasok sa mga bars at diskohan). Umaga sa Girls Quarters ng Youth Hostel ng PNRC Zamboanga, nagronda na si Tu Tia (espanyol ng Kah Sheh), "Uy, yung mga ayaw umuwi, yung mga gusto muna mag-agogo dancer, mag-waitress, magprosti ng ilang araw, magsabi na, habang nandun pa sa ibaba si Jo at di pa nakaalis para bilhan kayo ng inyong mga tiket!"
Walang nagtaas ng kamay. Sa disisiete na sumakay ng barko galing Jolo pa-Zamboanga, minus kay Nadz at saka kay Tu Tia, ang kinse ay uuwi lahat pabalik sa pinanggalingan. Aba, ang babait ng mga anak ng tinalupan, uuwi silang lahat as scheduled?
Magtatanghali at tapos na ang sesyon, pati photo op at mga gudbay ceremonies, naipamudmod na ni Jo ang mga tiket ng bawat isa, pati na ang four hundred and twenty na katumbas ng pamasahe ng isang tao pa-Jolo ni Nadz, enter Vaness, Merz at isa pang mokong (si Coms yata, na may kapatid rin sa Zambo): Hindi raw sila muna uuwi, tira raw muna sila kay Nadz ng isang gabi. Talaga, ha. Ang bahay ng kapatid ni Nadz ay medyo wala walang kuryente at doon sila magsusumiksik makitira? Ano ang kanilang plataforma.
Pinarefund ang mga tiket nila.
E di nagka-cash sila. Yayamang walang per diem hah.
Buong hapon na nangawala at nang bumalik alas singko, ang iba me nabiling relos na dilaw na plastic, ang iba singsing na gawa sa lata, at ang iba ay hindi ko na inalam. Kung kanino ipapaalam siya ring uutangan.
Habang ang iba busy sa pag-iimpake, at ang iba pa ay isa-isa nang nagsialisan papuntang pantalan, heto si Vaness, nakaupo sa katabing higaan, mata sa bandang paanan, explaining at explicating. Kulang na raw ang pambayad nila sa barko. Si El Presidente Jovene, sa bandang likuran, mamata-mata.
Ang totoo, gusto kong tumawa. Si Kah Hulma ay galit na lumayas nang hindi man lang nagpasalamat, ni hindi sinagot ang tanong ko, kung siya ba ay kumain na o ano, tapos heto ang mga tinamaan ng lintek, at jajamingin na naman kami after enjoying their shopping at window-shopping rights on a cancelled ticket na ngayon ay kelangang i-repurchase.
“Mag-unu kami, Vaness? Magdagang bilat a kapitan sin kappal?” Punch in si Jo.
“Kulang na ang pamasahe namin, hindi na kami makauwi.” Kapag si Vaness in distress, she looks every inch in distress, heartbreaker po talaga.
“Na sige na, kausapin nyo ang kapitan ng barko, mag-service muna kami ni Jo, makatawid lang kayo pa-Jolo.Buti sana kung type kami nun, mas type kayo nun!”
Si Merz sa likuran na kanina ay feigning concern, feigning seriousness, napangisi.
Si Vaness maiiyak na.
Sabi nga ni Anj, “We love your kids!” Pakiramdam ko nag-Mother of the Year awardee uli ako. Kung alam lang nila.
Ang totoo, feeling ko, na feeling ko lagi, I could have done more. Na puwede ring unawain as, I could have done worse. Pero siguro, siguro nga, gaya ng lagi kong sinasabi sa sarili ko, bilang pakonsuwelo de bobo dahil bobo naman talaga ako, the meagerness, the poverty, the unaccomplishment, is what made all the difference. Kasi kung hindi, baka nga matagal na akong itinapon sa dagat.
Hindi ganito ang ideya ko ng pagoorganisa. Ni wala talaga akong balak magorganisa ng mga lesbiana sa Jolo. Mga kaibigan ko nga na ngayon ay nasa Caritas na, o sa Asian Women Bureau na, aghast. Por dios por santo, anila, bakit hindi sa CDO, o sa Manila, o kahit sa Cebu, mag-LGBT rights campaign ka lang din, of all places at of all dako ng kabihasnan, bakit sa Jolo pa bakiiiit???
Hindi ko masabi sa kanila ang totoo. That I love the craziness of it. And that I’m doing it maybe because exactly of the impossibility of it.
“Are they well-off?”, ani Fechi. Naka-dressed to kill kasi si Merz. Natural, mangibang bansa kaya sila, magpa-Zamboanga Hermosa, e di nagpa-handsome, naghiraman pa, showdown talaga. Kahit naman sa Jolo, pag me party, o kanduli, papahandsome talaga ang mga leche. Invest nang invest on pleasure and good looks, hedonists of the highest order. Maybe to fetch well-off girls, or maybe, counterpoint to so much poverty, to so much pain.
Si Ridz, halimbawa, na days back iika-ika, nakawhite polo shirt, bagong pair of blue jeans at white imitation rubber shoes.
“Ba’t ka nakasapatos, yung sugat mo!” Ayaw aminin na nakuha niya sa pagtakbo habang naglalako ng shabu. Nahulog raw siya sa pantan. E di nahulog.
“E, sabi ni Merz, e, eto daw isuot ko.”
Sa barko pa lang patulak ng Zambo nag-order na sa akin. “Kah Sheh, wala akong dalang brief, penge namang pambili ng brief, o.”
The night after and an hour before departure time, “O. Nakabili ka ng brief mo?”
“Hindi nga e.”
"Di bale na. May naka-MU ka naman sa Paseo del Mar."
Hindi ko na tinanong kung nang ligawan niya yun kagabi, binaliktad ba niya ang brief niya, o wala siyang suot na brief?
“Pero peks man, ang guapo-guapo mo talaga ngayon. Nakakainlove.”
“Oo. Bagay na kayo.”
Love ko talaga si Vaness kapag sumabad, in line! Pati ka-MU nga niya minumura ako sa text, bat daw ako hanap nang hanap kay Vaness.
“Kasi akala niya girlfriend kita.”
“Sana sinabi mong hindi, na love lang talaga kita wala kang magawa.”
“I love you more.”
Ganyan si Vaness. Ayaw magpatawad. Pulot dito, pulot doon ng ingles.
“I love you, Vaness.”
“I love you so much.”
Di ka mawewendang niyan?
Pero ang mas nakawewendang, peks man, si Merz.
Ewan ko kung kagagawan ng Rainbow Rights training, pero imagine Merz transmorphing into a girl? Parang gusto kong magsulat ng dula: Ang Pagdadalaga ni Merz Jamad. Ang tagal sa shower, mas matagal nagbihis. One full hour yata before departure time, girdle, underwear, sanitary napkin, baby powder, lotion. Me papasyal-pasyal pa around the ward nang nakatapis ng malong to socialize. Pati si Jo ay nawerla. “Naunu na in subul ini?!?!?”
Macho supremo kaya ang self-packaging ni Merz. Kahit naglalakad sa sahig-higaan o sa taytayan, tikas ang tayo nun, sure ang hakbang, at tiim lagi ang bagang. Wag mong masagi at baka susuklian ka ng straight cut to the jaw. Ang mahal pa ng ngiti. Pasalamat ka kung matingnan ka. Fazed ako. Ang huling gusto kong maka-engkuwentro sa Jolo ay ang classic super-chauvinist Tausug macho. At si Merz, every inch going that way.
Tapos ngayon, heto: Bababa lang ng function room, akala mo magdedebut. May needle pins pa to pleat his polo back and sides, which he didn’t want hanging loose out of place, buti hindi tinusok ni Sheeba na ginawa niyang sastre cum yaya at fashionista.
Kanina sa diskursong SOGI, feminine daw siya, kasi nga hindi naman raw puwedeng habang buhay ay ganito tayo.
Ay ano tayo? Nag-alsa ang tinggil ko. Putanginang palaka, Merilyn, akala ko ba, kaya ka tomboy na basagulero dahil derstand mo what political status comes with masculinity? If I had to ram it down her throat I will, o bagsak lahat ng aking plataforma.
Masculine ka, Merz.
So at recess time, she corrected herself at naglodge ng motion for reconsideration kay Jo. Relay naman si Jo. Hindi raw yun totoo, Sheh, na hindi permanent ang pagkalesbian niya. Sinabi niya lang daw yun dahil nahihiya siya. Kasi nga hindi nila alam na puwede pala yun.
Dinner time, sit ang Merz sa bed ko. Kah Sheh, you’re the best talaga. Sabay cut in ng medyo naligaw sa tono na You came into my life…
Fasten your seatbelt. Don’t panic, Tu Tia.
Pa'no ko ba papaliwanag sa kanila na The house is on fire the firemen all dead