Wednesday, December 9, 2009

Poetry by Quennie Cabili











Binaril Mo Ako

Quennie Cabili


Dahil alam mo na mabubuhay ako,
Binaril mo ako.
Parang yung pusang itim
Na napagkatuwaang barilin
Ng tatay ng kaibigan ko.

Mangha-mangha pa siya
Nang ito’y bumulagta sa harap niya.
Sabi niya, “Akala ko, siyam ang buhay mo?”
Nagsisi pa siya. Sana raw padaplis lang niyang
Tinira. Kaya lang, asintadong-asintado na siya.

Nagpasiya siyang magsimba.
Ang kaso, isa uling itim na pusa
Ang tumawid sa kalsada.
Tinapakan niya ang preno
Pero huli na siya.

Sabi niya sa nakabulagta sa kalsada,
"Pucha, pangsiyam mo ring buhay ‘to, ano?"
Bumuntung-hininga siya, at saka nagsimba.
Para sa katiwasayan ng kaluluwa ng pusa
At para rin di na uli siya mamalasin pa.

Pagdating niya ng bahay, may maliit na
Itim na pusa na naghihintay sa kanya.
Sabi ng asawa niya, “Napulot ko sa kalsada,
Kawawa naman, puwede dito na siya?"
Di siya makapagsalita.

Pa’no niya masabi sa mahal na asawa na
Ayaw na niya, parang awa n’yo na,
Di na niya maatim pa na
May makitil pa uli
Isa na namang pusa na siyam ang buhay?


Isinalin mula sa orihinal na ingles)

3 comments:

  1. I think the translation is better than the original version LOL :)

    ReplyDelete
  2. I think the translation is better than the original version LOL :)

    ReplyDelete
  3. I think the translation is better than the original version LOL :)

    ReplyDelete