Tuesday, September 13, 2011
kung minsan naghihinala sila
The most violent wars are fought on the ideological plane. Bakit kaya ayaw nila aminin yun. Kaya yata kapag gumagapang na mga salita ko papalapit sa usaping kapitalismo, umiismid at umaawit na si Ganet. Sila lang kaya ang may karapatang magsalita laban sa di-matakasang pananalanta ng dambuhalang korporasyon. Usurper, dapat magpaka-socdem ka, sa isip, sa salita at sa gawa, magpaka-western feminist, stop na ang pagpretend-pretend na may pakinabang ka sa usaping tunggaliang uri.
Hindi ako napatawad nang dalhan ko ng Puti na feminista at isang bag ng female condoms. Ni hindi ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa kanila na ang pangalan niya ay Gwenola, at tulad nila ay may boypren na Maoist na karantso ni Joma at may mga sinu-subsidize na mga foot soldiers ng The Shining Path. Doon pa ba naman nag-opensiba sa upisina nila ang mahadera. Nilektyuran ang cashier na walang ideya tungkol sa usaping programa sa birtud ng pagpuputa, na hindi malayo, aniya, sa kalagayan ng maraming asawa at asa-asawa. Sex workers nang sex workers, e di nagalit sila. Prostituted women, ayon sa kanila, ang dapat itawag sa mga babaeng nagbebenta ng aliw. Ka-classist third person impersonal plural. Hindi ko raw kasi alam ang sinasabi ko dahil hindi ko alam gaano kadumi doon sa putahan. Ang dapat pag-isipan pa'no iahon ang kababaihan mula doon.
Parang si Lobregat ang programa: Ahon Badjao.
No comments:
Post a Comment