Wednesday, November 30, 2011
Noong minsan
Nung minsan, umalis ako sa amin, pumunta ng pulo, sumama sa auntie ko, hindi alam ng tatay ko. Alam lang ng nanay ko. Nasa laot na ako nang magpaalam sa nanay ko. Akala ng nanay ko, hindi uuwi ang tatay ko.
Biglang dumating ang tatay ko. Na-surprise, naghanap sa akin. Nasaan na si Merilyn? Hindi sila nakasabi ng totoo. Sabi ng kapatid ko, Waypa muwi, Amah. Hindi pa umuuwi, laung niya, galing sa town. Sabi ng tatay ko, miyatay, sige lang, antayin ko muna siya bago ako kumain. Tapos, hinintay ako ng tatay ko, matagal. Hanggang gabi. Tapos, sabi ng tatay ko, Saan ba talaga nagpunta? Samahan mo ako, puntahan natin. Sabi ng kapatid ko, hindi ko alam, laung niya, kung saan yun siya banda. Yung nanay ko, hindi na niya talaga matiis, sinabi niya yung totoo. Pagkasabi niya, nagalit ang tatay ko, nagwala. Sabi niya, patayin ko kayo, ilabas nyo ang anak ko! Pag hindi pa nakauwi hanggang bukas, papatayin ko kayo, susunugin ko ang bahay na ito!
Tapos, tumawag sa akin. Sabi sa mga Auntie ko, pag hindi nakabalik yang anak ko hanggang bukas, papatayin ko ang kapatid ninyo. Ang asawa ba niya. Tapos, nakipag-usap siya sa akin.
Sabi ko, Hello? Laung niya, ano ang gusto mo, pag-uwi mo dito patay na ang nanay mo? O uuwi ka ngayon din? Umuwi ako kaagad. Mamamatay yung nanay ko. Mas gustuhin ko pa na tatay ko ang mamamatay kesa nanay ko.
(an excerpt from an interview)
No comments:
Post a Comment