(Para sa mga armchairs)
E, ano kung mali.
E, ano kung marami ang
nawasak na buhay, ari-arian.
Mas marami ba sila kaysa
mga nasalanta
Nung nagdaang bagyo,
dilubyo,
Nung huling pulitiko,
Huling kawan ng mga santo
rebolusyunaryo?
Walang tama o mali sa kamay
ng kasaysayan;
May nakakaligtas lang
at may nababak-hu;
Mas madali ang umamot
ng buwayang luha,
Mga matatalinong aral
na salita.
Mas madali ang pumula
sa kasaysayang hindi ikaw ang me gawa.
Kung totoong mas alam mo,
Sana’y hindi ipinaubaya
sa mga dukha sa adhika.
Sana’y ikaw ang gumawa.
No comments:
Post a Comment