About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Saturday, January 2, 2010

Pasko Nga Ba?




















Eleanor Trinchera

Tahimik ang paligid. Napakatahimik. Lahat ng sasakyan nakaparke sa tabi ng kalsada. Walang naglalakad, halos walang tumitinag. Pasko nga ba ngayon? Parang hindi, nagkamali yata ako ah. Pero alam ko abeinte-singko ngayon.

Mayamaya, may dumaang sasakyan. Pumarada ito, bumaba ang lulan, mag-anak. Ingles ang salita. Ah, teka… mukhang Pinoy, at mukhang kapitbahay lang namin. Pero deretso ang tingin nila, at di yata ako napansin. May pinag-uusapan sila, ang cah raw, hindi pronounced ang “r”, actually, car talaga iyong pinag-uusapan nila. Masyado na yata akong usisera.

Dumating si Noellin at hindi ko na muna sila pinansin. Patuloy pa rin silang nag-uusap tungkol sa kanilang cah. Nagkahulihan kami ng tingin ng aking anak, nagkaintindihan na kami.

Naglakad kami papunta sa bahay ng kapatid ko, hindi kalayuan mula sa amin. Doon namin ipagdiwang ang araw ng Pasko. Dumating kami sa “main road”. Mangilan-ngilang sasakyan lang ang dumadaan, at wala rin masyadong naglalakad. Nakakailang ang katahimikan.

Sa isang dulo ng kalsadang aming binabaybay ay may moske. Sa susunod na kanto sa salungat na direksiyon ay ang simbahang Katoliko. Tumawid kami.

“Ang tahi-tahimik no? Parang hindi Pasko,” sambit ng anak ko. “Oo nga eh. Pakiramdam ko nga parang hindi talaga Pasko.”

Habang patawid kami sa kabilang bahagi ng daan, may nakita kaming matandang lalaki. Naglalakad rin siya, mag-isa, at bihis na bihis. Pagkuwa'y bigla siyang tumigil sa harap ng isang tanim na may bulaklak na maliliit. Pinagmasdan niya ito.

Nagkatinginan na naman kaming mag-ina. “Buti pa iyong matanda, ano,” ikako sa anak ko, “may panahong huminto para amuyin ang mga bulaklak.”

Papalapit kami sa kinaroroonan niya at bahagya siyang lumingon. Namitas siya ng mga bulaklak. Nang nasa tabi na niya kami, bigla niyang iniabot sa amin ang maliit na kumpol na pinamitas niya sabay ngiti at bati ng “Merry Christmas!”

“Merry Christmas!” sabay din naming bati. Bigla kaming nabuhayan ng loob. Siyang-siya naming pinaghatian ang alay niyang bulaklak.

Bigla, sumigla ang aming mga hakbang.
Pasko nga pala talaga!

Wednesday, December 30, 2009

Mama, Unsa Ka?




















(Pasaylo, Tita Lacambra Ayala)

Mama, tomboy ka? ngutana akong anak.
Nasakpan ko niyang nagkalo,
Nanglukot sa bukton sa akong long sleeves
Naninghawak ug gahikaphikap sa akong bigote
Atubang sa dakong samin sa among kuwarto.
Wala siya kahibalo nga ingon ana na gyud ko
Sa mga adlaw nga abuton ko’g kakapoy
Sa akong pagkananay ug pagkababaye
Kanang nagkay-ag ang balay
Ug akong dughan nangguot sa kalaay
Akong kalag mangitag lugway
Maglakaw-lakaw sa laing lungsod,
Aron manikop og laing kalipay.

Apan kasubo aning pagkadulaa
Kay kinahanglan buhaton kun nag-inusara
Atubangan sa samin atbang sa laing babaye
Nga ang nawong mao ra gihapon,
Walay bigote
Nasulod sa rektanggulong kwadro
Nagsundog-sundog, nanura,
Ug naglantaw sa imong namalandong nga mga mata
Gipalibotan sa nagbitay nga mga labhanan
Gibisbisan sa nagkalamukat nga mga plastik nga dulaan
Ug sa dapit sa pultahan dunay batang laki
Nagtindog, nagnganga. Wa nakaila.
Asa siya gikan?
Ug kinsa sad siya?