About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Thursday, May 6, 2010

Isang Pitak ng Isip












Ang pagiging kawal, o pagiging kadre, ay pagiging isang bitak ng bato. Pagiging isang bloke ng semento sa itinatayong pundasyon ng pagbabago. Isang pares ng braso’t kamao sa walang mukhang digma. Isang buhay. Isang kulumpon ng buto. Baril man o salita ang hawak mo, mag-isa kang tatalunton sa masukal na gubat ng pag-alam. Mag-isa mong tatawirin ang ibabaw ng bangin, ang madulas na tulay na kawayan, at mag-isa kang mahuhulog, mag-isang lalangoy, aahon, aakyat sa kabilang pampang. Mag-isa kang haharap, makikipagtunggali sa panganib. Ano man ang iyong kahihinatnan, matitipak ka ba, o manatiling nakatayo, walang kamay na sasalo sa iyo; walang ulo, balikat, katawan na tatakip o mananagot para sa iyo. Sa katapusan ay mag-isa mong ipaglalaban ang buhay mo. Sa katapusan, ang lahat, ano man ang kanilang adhika, ay mag-isang makikipagdigma at mag-isang mamamatay.

No comments:

Post a Comment