About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Monday, August 15, 2011

Pa'no nga uli maging lesbiana?







Ang hirap kaya. Sabi ni Kah Dar, sabay ismid at sulyap sa akin, piyasaran na ba. Will do. Nagi-gerlan siya sa akin. Sa kabataan niya raw kasi, sigang-siga siya, gelpren niya ang pinakamaganda at pinakaseksi sa eskuwela na anak ng Assemblyman. Sibu ra daw in lesbian sex, masarap rin daw , at iyong pagpapaligaya na kaya ng lalaki, kaya rin nating gawin, pero mula ulo hanggang bewang sadja. Sa baba noon, di na natin kaya, way kita sinapang.

Wala raw tayong sandata.

Pero sa kulumpon ng mahigit dalawangpung lesbiana na nakikinig sa kanya, si Berkis lang yata ang tumawa. May pagkasinauna kasi mag-isip ni Berkis. Kasalanan raw kay Allah ang maging bantut o lesbiana, pero di bale na daw, kung saan ba ako maligaya.

Araw-araw nawawalan ako ng pag-asa, nadidismaya. Hindi raw dapat ibroadcast ang tungkol sa gang rape sa Jolo at lalo lang nahahati at nasisiraan ang lipi. Inuulit-ulit niya kapag ko siya kinukulit na mag-aral, mag-imbestiga, sumasakit daw ang ulo niya kapag nag-iisip siya, buti pa raw noong panahon ng kanyang lola, noong walang pumupunta sa eskuwela at walang nagbabasa, wala rin daw nagnanakaw, walang gahaman sa pera. Kelan kaya iyon, noong panahong ang halaga ng isang salup ng bigas ay beinte-singko sentimos pa? Naabutan ko pa yata yun. Seis anyos ako at akay-akay ng aking lola. Ang ulam ng kapitbahay ulam mo rin. Wala ngang perang pag-aawayan ang mga tao noon.

Walang pagpapatayan.

Hindi iyan makakapasok ng area, pagbabawal ng isa.

Aykaw magtumbuy-tumbuy dih, ayna, patayun kaw ha dan! babala naman ng isa pa.

Ang totoo, hindi ako naniniwala sa kamatayan. O naniniwala, pero hindi iyon ang kinatatakutan ko. Bakit? Chaos is a friend of mine, Violence a goodly neighbor, Death an Acquaintance. Close to 50 at bihis-Bajau? Kahit Abu Sayaf di ako seseryosohin. Pero kahit pa seryosohin ako, ang mas worry ko pa ay, siyempre, baka mag-insist si Berkis na embalsamahin ako sa Zambo at i-ship sa Davao ang body ko, mabubuking ng friends ko na wala akong burial plan, ni walang SSS o Philhealth plan. Nakakahiya yun, di ba. Ewan ko. Pakialam ko. Petiburgis yun. Buhusan na lang ng gas, silaban, kesa embalsamahin, economical na, mas sanitary pa. Pero hindi ko na worry yun, by that time baka busy na ako kala-lobby kay San Pedro na paakyatin ako. Kahit hanggang porch lang.

No comments:

Post a Comment