About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Friday, September 23, 2011

Paminsan-minsan















Paminsanminsan, nami-miss ko rin naman ang buhay ko. Noong akoy isa pang dakilang lumpen proletaryo ng Green Meadows, halimbawa. Magbabike pakanto para bumili ng shampoo at sampung pisong ulam, dadaan sa panaderya para bumili ng limang pisong pan de coco? Cool kaya yun. Tapos, haharangin ka ng mga batang kanto. Kol, pabolkit kas bike mo, Kol? Kahit di mo kelangan ng bolkit, sasabihin mo, O. At sa halagang sampu hanggang dalawampu, parang natahing muli ang butas mong puso. Uuwi kang parang saranggola sa saya, makikipagharutan sa mga pokpok girls na mapapagkatuwaan kang banggain, harangin sa daan huwag lang na di mo sila masayaran ng nagnanasang tingin.

No comments:

Post a Comment