About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Tuesday, June 1, 2010

Fitness foist at ang mga gansang ligaw ni Babeth










about this painting:

title: "fitness foist"
medium: acrylic on paper canvas
size: 16" x 20".
first exhibited at babeth lolarga's solo exhibition "bling blings & lucky me" at taumbayan bar in April-May 2010.
now in the collection of desiree carlos



MGA GANSANG LIGAW

(salin ni Babeth Lolarga
mula sa orihinal na Wild Geese ni Mary Oliver)


Di mo kailangan maging mabait.
Di mo kailangan lumakad nang paluhod
Ng isang daang milya sa disyerto, humihingi ng tawad
Kailangan mo lang na payagan ang malambot na hayop ng iyong katawan na mahalin ang gusto niyang mahalin
Sabihin mo sa akin ang iyong kawalan ng pag-asa, at sasabihin ko sa iyo ang akin
Samantala patuloy ang mundo.
Samantala ang araw at ang mga malinaw na bato ng ulan
ay gumagalaw sa kalawakan
sa mga kapatagan at kalaliman ng mga puno
Sa mga bundok at ilog.
Samantala, ang mga gansang ligaw, sa kaitaasan ng malinis na bughaw na hangin
ay pauwi na muli.
Kung sino ka man, gaano ka man kalungkot,
inaalay ng mundo ang kanyang sarili sa iyong imahinasyon
Tinatawag ka tulad ng mga gansang ligaw, marahas at nakakagulat—
paulit-ulit na inaanunsyo ang iyong lugar
sa pamilya ng mga bagay-bagay.

No comments:

Post a Comment