About this site
Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.
Thursday, July 21, 2011
Salamat Kuya
photo: pinoy estacio
ni Ramille Andag
Dear Kuya: Sabi mo na-misplace lang yung TV sa bahay. Kanina nakita ko ang papel de ahensiya. Alam ko namang ginawa mo yun for safekeeping purposes. Uso kasi ang nakawan ngayon sa ating neighborhood. Salamat, Kuya.
Edwin M. Salonga: Ang motorsiklo, naibalik na ba ki Kuya?
Kaici Sanchez: Miss u Mader Ramil. . .
Ramille: Ay Edwin, sabi niya naka impound sa LTO, di lang daw niya matandaan kung saan specifically. Pero feeling ko for safekeeping purposes din. Wala kasing parking sa amin.
Edwin M. Salonga: Pantas! Napakabait talaga ni Kuya. Buti na lang ang phone at laptop mo, katabi mo lagi kahit sa pagtulog. Baka kasi next time na malingat ka, naipa-safekeep na rin ni kuya.
Ramille: Sabi ni Kuya hindi daw worthy na i- safekeep kasi medyo old models na daw ang dalawang items na yun. Bongga talaga si Kuya, may expertise sa gadgets.
Nathaniel Nicart Doligon: Hahaha! Loko yan si Kuya ah!
Edwin M. Salonga: Haha. Ayos! Sabagay, may logic ang explanation ni Kuya. Kumusta naman ang pera mo sa wallet?
Ramille: Ay yung sa pera, alam mo namang color blind ako at mathematically challenged. Feeling ko laging mali ang pagbibilang ko, so mali ang baseline.
Edwin M. Salonga: Sabagay. Kaya pala ang dalas mong mag-withdraw. Baka naman ang iniisip ni Kuya, siya na bahala sa savings at investments ninyo. Long-term planning! Iba talaga si Kuya.
Ramille: Win si Kuya ano?
Edwin M. Salonga: Siya na nga talaga. Kayo na. Lock and key kayo. For that, lucky ang relationship ninyo.
Ramille: True ano? OMG! I feel so warm and fuzzy with that thought! Hahahahahaha
Kaici Sanchez: Eh sino yung kasama ni Kuya sa kama kanina? Sabi niya pinsan daw niya? Saang side? Mother side o father side? In fairness borta yun ah.
Edwin M. Salonga: Haha. Pinsan talaga iyon ni Kuya. Iyong isa kasi, pamangkin naman daw niya. Close lang talaga sila kaya ganoon. Sanay silang sa iisang kama natutulog, mula bata pa.
Kaici Sanchez: Sana pala kasabay ko din sila tumanda! Hahaha para nakapagbahay-bahayan din kame nila Kuya. . .
Ramille: Oo, nakasanayan lang talaga nila yun.
Sheilfa: Ramille, may i syndicate this exchange?
Gerald Ferrer: Di ako sure Ma'am, pero si Kuya parang member ng lipat-bahay gang. Nakabili ka na ba ng bahay at unti-unti niyang hinahahkot gamit mo?
Edwin M Salonga: Haha. Baka naman surprise iyon ni Kuya para kay Camille. Bagong bahay, kaya sinimulan na lipat ng gamit.
Ramille to Juliet: Ma'am nakita ko na ang bahay. Bongga! Ang taray ng lighting, tapos may security guard. May nakasulat Villarica Pawnshop.
Donita Culala Tenorio-Roberts: Ahahaha nasanla talaga?
Nest Zamora Lucas: Ay Ma'am nasa palamigan lang daw ang tv at motor. Nag-overheat e.
Bohn Benedict Vergara: HAHAHA. Ang peste ng sharing na ito... SWEAR!
Ramille: Pero mga Ma'am, maliwanag talaga! Maganda ang blue ba color sa malalaking letra na VP.
Ihna Figueroa: Sistah, nakilala ko na si Kuya, di ba? Yung nagkita tayo sa BPI tapos nakamotorsiklo ka niya na sinundo? Hala, talagang masinop si Kuya pala!! Kung di sa bangko, andoon, nasa isang bahay safekeeping!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment