About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Wednesday, October 2, 2013

habang naggigyera sila nagbakasyon ako


(para kay Gigi)

feeling ko pina-R&R lang ako
magliwaliw ka muna doon, kas
toka namin ito

parang regalo
para sa iyo lahat nang ito

para sa mga butong hindi nabakat
sa mga apoy sa dibdib na hindi kumilanap

mag-aaklas kami
magbubuwis ng buhay
masusunog ang mga bahay
ng mga walang bahay

pero sa iyo lahat ito
digma mo ito
ikaw
na walang kaibigan
walang kasama
ikaw
na walang matatagpuang iba pang daan
lampas sa lahat ng nalakbay na
ikaw na walang mauuwiang
tupok na bahay

tupok na buhay

No comments:

Post a Comment