About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Saturday, October 5, 2013

Mao Tzu Hu


(Para sa mga armchairs)

E, ano kung mali.
E, ano kung marami ang nawasak na buhay, ari-arian.
Mas marami ba sila kaysa mga nasalanta
Nung nagdaang bagyo, dilubyo,
Nung huling pulitiko,
Huling kawan ng mga santo rebolusyunaryo?
Walang tama o mali sa kamay ng kasaysayan;
May nakakaligtas lang at may nababak-hu;
Mas madali ang umamot ng buwayang luha,
Mga matatalinong aral na salita.

Mas madali ang pumula sa kasaysayang hindi ikaw ang me gawa.

Kung totoong mas alam mo,
Sana’y hindi ipinaubaya sa mga dukha sa adhika.
Sana’y ikaw ang gumawa.


No comments:

Post a Comment