You should have hauled me to court. Nailed me behind bars. Now I will have to convict you.
Each one of you.
The cut worm forgives the plow. (Proverbs in Hell, W. Blake)
The title of the post is a line from William Blake's poetry; Which Nadine Gordimer appropriated for her story about a girl who gets killed when a terrorist, a roomer in her mother's boarding house she fell in love with, uses her to bomb the plane she boards.
…..Lahat ng Christians kaaway, tapos yung kidnap for ransom to sustain organization allowable. So medyo malabo sa akin iyon. Year 2002 nagmiting noon. Ako, si Global, si Dr Abou Gumbahali, doon malapit sa Karawan, Indanan, iyan ang erya nila. Tapos, eventually, nakipag-usap ako sa mga naging kagroup ko, iyong naging Bawgbug, sila Al Fhadar Fajiji, tapos sila rin, hindi sila pumayag sa ganun. Yung si Majid Ibrahim, classmate ko yun siya since high school, patay na. Iyong isa pang member ng Abbu Sayaf, si Yusoph Tadday, na malamang nasa Muntinlupa na o sa Bagong Diwa, kaibigan ko rin yun. Noong nakulong siya sa Jolo pumunta sa akin ang Father niya, tapos binisita ko siya. Si Nadjmi, yun si Global.
Hindi ako naniniwala sa negotiations. Hindi rin iyan makakatulong sa Muslim community. Hindi rin mari-realize ng masses ang hinahangad nila, di ba. Hindi rin sila makaka-benefit diyan. Iyong mga commanders lang. Mga MILF leaders lang ang makikinabang diyan. Wala naman talaga kuwenta ang negotiations eh. Tulad noong nakipag-negotiate si Misuari, anong nangyari, inilagay sa power. Anong nangyari sa ibaba? Wala.
Kung i-attack nila iyon corruption, iyon pa, mas makikinabang pa ang mga tao, kasi hanggang barangay level iyan, e. Iyong peace negotiations, ang mga lider lang ang makikinabang niyan. Tulad ni Misuari, nakipag-negotiate siya, inilagay sa power. Sa ibaba walang nangyari.Si Misuari noong ARMM Governor siya, dapat he had the power to discipline the Governor of Sulu at lahat, pero wala. Kasi iyang IRA, kung ikaw ay isang mayor, bago maaprubahan ang IRA mo sa itaas, kailangan maaprubahan muna sa provincial level. Magkakaroon ng deliberations diyan sa province. Pagkatapos niyan bago iyan maaprubahan i-deliberate muna iyan sa provincial level bago ipadala sa ARMM, saka doon sa national. Ibig sabihin, ang ARMM Governor may control siya over the mayor. Iyong ARMM Governor may power siya over sa apat na governors. Above all, ang national government, sila pa iyong may pinaka-responsibility diyan na i-discipline iyong mga governors. Kasi representatives nila ang mga iyan sa grassroots e. Ang problema sila-sila lang din, kasi iisang bahay lang sila. Pero madugong discussions iyan.
Yung mag-human rights campaign, bagong option kasi iyon eh. Kasi ang dating option bibitbit ka ng baril, maging armado ka. Ginawa na iyon e. Ginawa na ng MNLF, tapos ginawa ng Abbu Sayaf. Ginawa nila iyon kasi akala nila, mahinto iyong abuse. Pangalawa, gusto nilang makamit ang freedom nila. Di ba? Tapos tayo naman ang pinili nating option i-document lahat, tapos kailangan mag-cooperate ang pamilya nung mga namatayan, ng mga wounded, lahat-lahat. All cases of abuse pati na rape. At ginawa talaga iyan ng mga tao, nag-cooperate sila. Nagpupunta talaga ang mga tao, nagpapa-document talaga sila. Pumupunta sila. Umabot sa ganoong situation. Pero wala pang nag-document na iyong aggressive talaga para ma-address iyong human rights situation. Wala akong nakikita na ganoon e. Andami-daming human rights violations sa Sulu pero isang beses lang bumaba ang DOJ. Iyong Padiwan Massacre. Si Undersecretary Makabangkit Lanto pumunta doon. Pagkatapos ng Padiwan Massacre, the rest na nangyaring HRVs wala na, inignore nila. Iyon din ang isa sa mga challenges sa HR victims sa Jolo, kung pano i-handle para hindi mawala iyong hope ng mga tao. Kasi winawala talaga iyon e. Kaya dapat ipagpatuloy ang paniniwala sa HR.
Paano panatilihin ang hope for human rights? Kasi marami ang nagsasabi, halimbawa ang mga sundalo, sasabihin nila, Ilang taon na kayong nakikipaglaban sa human rights, nanalo ba kayo? So parang pinapatay nila iyong hope ng mga tao. So tayo naman paano natin panatilihing buhay iyong hope. Kasi kung ayaw ring makipag-cooperate iyong victims sa iyo, mahirap din iyon. Malaking bagay iyon e. Kasi sa Muslim kasi, kapag may nangyari sa iyo, sabihin, Tuhan allahu ta’Allah. Sa Muslim kasi kapag namatayan ka chadar, destiny na ganun na talaga ang mangyari, so bakit pa siya magku-complain. Isa sa mga pinakamalaking problema na na-confront iyan iyong bago pa lang kami nag-uumpisa. Ang ginagawa ko din sa organizing sinisigurado ko na meron talagang panahon na magselebreyt ng temporary victory. Iyon mag-ipon-ipon kayo lahat, kasi bago sa kanila iyon,e. Na-try ko talaga iyan.
Kahit anong sector hindi naman mahirap organisahin basta masipag ka lang. Iba-iba rin kasi ang interes ng mga tao. Ang rape kasi kahit saan puwede mo siyang dalhin. Iyong fishermen mahirap mong dalhin iyan sa isyu ng kababaihan. Pero may panahon na nagpa-participate din talaga sila. Iyong mga tricycle drivers, there was a time na hindi sila namasahe, nag-join sila ng rally, na-surprise talaga ako noon. Wala akong miting with the tricycle drivers prior to that rally kasi hindi ko noon inexpect na sasali sila dahil kailangan nilang kumita, e. Sa tricycle drivers kasi, ayaw ko silang i-organize para sa ibang isyu, pero kung kailangan nila kami, nandoon kami. Pero na-surprise ako noon dahil nandidiyan na silang lahat.
Rali yun para kay Misuari. Ang hirap ding kasi magparali ng Free Misuari e. Matakot ang lahat. Ang mga MNLF mismo pinagtatanggal ang mga piktyur ni Misuari sa mga restoran. Ako iyong pinaka-first na tao na nagdikit ng piktyur ni Misuari sa sasakyan. Natakot ang lahat ng tao.
Iyong rali laban sa ID system, maraming pressure. Sabi ng asawa ko, huwag mo na lang ituloy. Si Muayni nasa Lugus Island na noon. Hindi siya sumama sa rali. Pero sa rape issue sumama siya. Si Mufti sold out siya sa ideya kahit nasa Saudi siya at that time. Tapos noong nagrali na kami sa masjid, ayaw akong pasalitain nung imam ni Misuari. Sa kanya daw ang time na iyon. Sa kanya ang oras na iyon at walang ibang puwedeng humingi ng oras na iyon kundi si Misuari lang. Nag-eskpleyn ako sa kanila, iyon yung sinasabi ko na temporary victory. Kasi na-release nga iyong mga hinuli na walang ID. Para maramdaman nila iyong temporary victory.
Hindi naman sila magrarali kung wala ako e. Hindi nila kayang magrali sa Sulu nang sila-sila lang. At walang naganap na rali sa Sulu kung wala ako.
Iba naman yung time ni Cory. Para sa akin walang kuwenta yun. At saka at the time ang panghatak nila iyong puwede ka maging pulis, sundalo, posisyon sa gobyerno. Sa negotiation yun e. Ganun yun e. Hindi siya tungkol sa isyu.
Nagtakbir yung mga tao sa loob ng mosque e nung sinabi ko na bakit kung si Misuari ang huhulihin puwede kaming maggamit ng masjid, pero bakit kung tricycle drivers ang huhulihin hindi kami puwede dito sa masjid.
16 May 1997. Every night when I lie to sleep the fetid air assails me. I left the bowl of dust for the sea of garbage. Cellophane is going to gobble this whole town down.
Maimona says: I love like fire. My husband raped me when my parents were away. It’s because he loved me so much. Olive smiles: Im a ref. Cool. I throw away the bad things I keep the good.
Sheena: I am a rock. Hard. Hard. I have no friends except Farisha. She’s a tomboy. Together we scrounge the streets and fight men.
Mimi: I am a sunflower. Bright, bright, bright. I say Hi! to the sun. Say Goodnight to the night. And Bow. Bow.
Eleven years. My memory of Jolo was one of romance. I am devastated. In all those eleven years, the town has sunk down; only the garbage has piled up. I should write Jack. And tell Fatima: Here, the town you were so jealous of you don’t want us around. Can you embrace it? Embrace it.18 may 1997. At the boat, aircon department. The lady tells me the bed belongs to her. She hunches and sprawls her legs her whole body saying this is mine mine mine keep off keep off. It isn’t greed. Just unhappiness. By and by an old man gently pushes me out of his cot. Sibug kaw, Indah. I expostulate, in choppy Tausug, telling him that I don’t like upper decks because I don’t like to sleep right in front of the TV the screen glaring at me it hurts my eyes. I feel stupid, irrational: like, in this shithole am I arguing for such a little thing? But how readily he agrees. The rest of the trip he sits there with his son glued to the TV, forgetting about me.
Humped over on my cot my hands in my belly a man asks: Maita kaw, Indah? My God, he knows I am Bisaya, but he only sees me as he sees: something in pain. They’re not at all like people I used to know in another country.
Morning at baliwasan grande: A clean well-lighted place. Is this relief I feel? I can’t wash Takut-Takut off me.
24 may 1997. Back in Takut-Takut and back to this pit. I happen to love the baby and didn’t feel for once like bashing its head against the wall. But I have this urge to push the door shut each time Mike threatens to show his face at the door to check on me saying Hi, trying, ever trying, to be nice. Mohay. That little woman with so much strength.
I feel sapped. All my energy drained out of me by all the noise all the clamoring needs the filth the despair around me. The stench of human habitation. I can’t stand it. The house Mohay is going to live in… incredible. Okay. Okay. So I am old. All my youth’s strength gone out of me gone into this sewers known as Takut-Takut.
25 may 1997. It’s no wonder the Tausug girls in Silliman are that deadly indifferent to talk of country. No language for struggle. Don’t care about Misuari and his bullshit. I can’t write. I can’t think. It’s not amoy basura, it stinks of godshit. Tinaehan ng gobyerno? Ng Diyos? And Saliya just said today she can’t bear the smell of fake leather it makes her sick she's going to faint. I can’t tell her I can’t bear the stench of everything else I could eat leather.
I need a cup of strong coffee. But there’s no coffee. No. There is, but no water to wash the spoon with. Okay there is water but there is no hot water. There is hot water, but it’s for the baby. Goodness. What am I to do? What am I doing here? Did I jump from the frying fan to the fire? Again?
Dear Zeny, You and Malik deserve a medal each for valor. You know what was my first thought after snugly settling in Takut-Takut? Arson. My second thought? Fatima. And that she should be here. My third thought? To flee! To hell with it all. Bahala kang Zenaydaha ka. Bahala kang Rolaysa ka. Bahala kang Mohaya ka. Mogradweyt ko, mogradweyt ko, uy. Lupad balik paDumaguete. Suffer Tim. Suffer Mr and Mrs Kelso. Suffer everything.