About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Thursday, September 1, 2011

Ha Riin in Praktis?
















Noong isang araw, nabulahaw ako. Alasais ng umaga nag-ring ang telepono. Si Coms, umiiyak.

Hindi na raw siya makakasali sa rap, ke ngayon, ke kahit kelan (choke, choke), masakit na masakit raw ang ulo niya, mamamatay na yata siya, at ngayon ay may dugo na lumabas sa kanyang taynga. Panic ang lola.

Kung bakit kasi sa kung saan-saang aspalto nagsisirko. Katanghaliang tapat, kung kelan nagpupuasa ang mga tao.

“Ang titigas kasi ng ulo ninyo! Tigil na kasi yang rap-rap na yan!”

“Ayaw namin.”

Kanina si Coms uli.

“Me lumabas na namang dugo sa taynga ko, Kah Shei.”

“Lecheng tenga iyan...“

“Pero hindi na masakit ang ulo ko!”

“Bahala nga kayo sa buhay nyo!”

Kasisira kaya ng form. Heto at kaboses ko na mga nanay nila. Mas maganda pa nga boses ng mga nanay nila.

Para mo silang mga anak sa iba’t-ibang lalaki, sabi ni Berkis, habang nakangising tinitingnan ang mga shots na kuha niya.

Wish lang nila yun.

Dahil pag akoy naleche, pangtatalian ko sila, pangtatapon sa dagat.

Baka saka na sila maibenta.

No comments:

Post a Comment