PakikiraanPa’no kaya kita
kakausapin
nang walang
sinasabi,
Walang hinihingi,
Walang minumungkahi,
At walang dinaramdam.
Nais kong maging maingat
sa aking pagdaan;
Manabi-tabi,
Ituring kang
Isang ilang na lugar.
Tahimik na susubayin,
At buong galang na
Iiwanan;
Hahayo nang walang galit,
Walang gustong nakawin,
At walang ni anong
Dadalhin.
05 March 2000
Davao City
No comments:
Post a Comment