About this site

Tumbang Preso (meaning, knock down the jail) is a game of arrests and escapes where each player's life
chances depends on the toppling of a tin can watched by a tag who plays guard.

Friday, October 7, 2011

usaping intellectual intercourse















At kanina, pati si Karlo nang-alaska. Heterosexual ka pa rin yata, aniya. Hindi ako napatawad sa aking kawalang-pitagan na pangdudusta sa kanyang pagkadakilang anak ni Allah, at lalong di ako napatawad nang hindi ako humingi ng tawad sa mga nabitiwang di-namumuri na mga salita.

Excited ako na nagbalita sa kanya na nakatanggap ako ng sulat-pahiwatig mula sa dating kasama.

“Kinikilig ka pa rin o. Hetero ka pa rin yata e.”

Ganun ba yun?

“Hindi. Naghahanap ka lang yata ng intellectual intercourse e. Busy ako e. Gabundok na mga gawain, o.”

Shocked ako. Akala niya yata, dahil galing ako sa isla ng medyo siraulong Bangsamoro, wala akong naka-intellectual intercourse doon, dahil nga sa Manila lang nangyayari ang intellectual intercourse. Pag minsan, gusto kong mag-parrangsabil kay Karlo. Akala niya, intellectually attracted ako sa mga latay-burgis na kauri niya. Pa’no mo kaya i-explain sa mga overeducated na katulad niya na mas intellectually stimulating na kausap kaysa sa kanya si Ridz, si Mherz at si Khumz?

Si Ridz na disinuebe na magsasabi, Babae ang nagi-initiate, hindi kami. Sila ang unang nanghahalik, nangta-touch, tanggap lang kami. Si Mherz na disiotso, bansag na basagulero. Hindi naman sa ayaw namin ng Sama, hindi naman sa nagdi-discriminate kami sa Sama kung kaya puro kami Tausug sa barkada. Kaya lang siyempre pag ka nabubuhay sa kalsada, ang hirap kaya nung may isa sa hanay na ayaw ng gulo, na sa harap ng paparating na kaaway tatakbo.

Oo. Madi-demoralize at matatakot pati iyong lalaban sana, sang-ayon pa ni Ridz.

At Si Khumz na disisiete at Grade Four lang ang natapos at ayaw magkuwento ng tungkol sa buhay at sex life niya, the temerity para lektyuran ako.

Kahit anong gawin mo, babae ka pa rin.
Babae ako, Khumz?
Babae ka pa rin ba.
Hindi lesbian?
Babae. Lesbian.
Naman pala e. E, ikaw babae pa rin ang tingin mo sa sarili mo?
Hindi. Lesbian. Ngising aso.
E, sila Mherz at Sara, babae o lalaki ang tingin nila sa mga sarili nila?
Ewan ko sa kanila. Itanong mo kasi sa kanila.

No comments:

Post a Comment